“Ang maikli ngunit malamang librong ito ay naghahayag ng istorikong bakgrawnd at mga saligang problema ng sambayanang Pilipino sa pampulitika, sosyo-ekonomiko, pangkultura at diplomatikong larangan at mga batayang solusyon sa pambansa’demokratikong linya. Inaapdeyt at itinataguyod nito ang nilalaman ng Struggle for National Democracy (SND) at Philippine Society and Revolution (PSR).
Ang PCR ay makabuluhan sa kasaysayan dahil ipinaliliwanag nito ang kinakailangang pagpapatuloy ng bagong demokratikong rebolusyon mula sa panahon sa pasistang diktadurang Marcos hanggang pagkaraan ng panahong Marcos. Tinukoy nito ang maka imperyalistang uring malaking kumprador panginoong maylupa na katangian ng rehimeng Aquino ng panahong ipinagdiriwang ng mga irnperyalista at karamihan sa mga reaksyunaryo ang rehimen bilang “demokratiko” na kabaligtaran ng despotikong rehimeng Marcos at tinatawag din ito ng ilang mamamayan na ‘liberal demokratiko.'”
Download: Krisis at Rebolusyong Pilipino