Monthly Archives: February 2013

Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)

kabwayan
“Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha’t pawis ng sakada’t manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.”
(sipi ng tulang “Mga Bukas na Liham sa Hacienda Luisita” ni Alexander Martin Remollino)

Download: Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)

Mao Zedong: Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno

Mao Zedong Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno“Tatlong bagay, ani Ho Chi-Minh, ang laging dapat isaalang-alang sa pagtitipon ng solidong lakas para sa rebolusyunaryong tagumpay—organisasyon, organisasyon, organisasyon.

Sa panahong humaharap tayo sa hamon na patindihin ang ating pagkilos para sa pagpapatalsik ng papet, pasista, pahirap at pekeng rehimeng Arroyo, hinihingi sa atin ang higit na pagpapalakas sa mga balangay ng ating mga pambansa-demokratikong organisasyong masa at pagpapakilos sa pinakamaraming masang kasapian.” (mula sa pambungad)

Download: Mao Zedong Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno

Monopolyo atbp: Ang Katotohanan sa Likod ng Walang Tigil na Pagtaas ng Presyo ng Langis

Monopolyo atbp“Matapos ang pabarya-baryang pagbababa mula Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon, muli na namang itinataas ng Petron, Caltex at Shell ang presyo ng mga produktong petrolyo. Abereyds na 35 sentimo ang idinagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina at 30 sentimo sa diesel noong Marso 20. Makaraan ang halos dalawang linggo lamang, panibagong 50 sentimo ang itinaas ng mga presyo. Para umano habulin ang 37% pagtaas kamakailan ng presyo ng krudong langis sa pandaigdigang pamilihan, maaasahan ang susunod pang mga pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.” (sipi)

Download: Monopolyo atbp: Ang Katotohanan sa Likod ng Walang Tigil na Pagtaas ng Presyo ng Langis

Pag-unlad, Kasalukuyang Katayuan at mga Prospek ng Teorya at Praktikang Maoista sa Pilipinas (Jose Maria Sison)

“Hanggang ngayon, tumatayo ang Maoismo bilang pinakamataas na yugto sa pag-unlad ng teorya at praktika ng proletaryong rebolusyon sa pamamagitan ng pagharap sa usapin ng modernong rebisyunismo at paghaharap ng teorya at praktika ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng proletaryong diktadura sa pamamagitan ng rebolusyong pangkultura para labanan ang rebisyunismo, pigilan ang panunumbalik ng kapitalismo at konsolidahin ang sosyalismo. Sa hanay ng maraming dakilang tagumpay ni Mao, ang nabanggit na teorya at praktika ang pinakadakila. Nagbibigay inspirasyon ito para sa kinabukasang sosyalista at komunista laban sa imperyalismo, rebisyunismo at reaksyon.” (sipi)

Download: PAG-UNLAD, KASALUKUYANG KATAYUAN AT MGA PROSPEK NG TEORYA AT PRAKTIKANG MAOISTA SA PILIPINAS

Ang Patakaran ng “Neoliberal” na Globalisasyon at ang Lumalalang Krisis sa Ekonomiya sa Pilipinas (Jose Maria Sison)

“…hayaan ninyong ipaliwanag ko kung ano ang kahulugan ng patakaran ng “neoliberal” na globalisasyon. Isa itong patakaran ng panlilinlang, na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihang” kapitalismo. Pinagtibay ito mula noong 1980 para diumano’y lutasin ang problema ng istagplasyon, ang penomenon ng istagnasyon at implasyon na nagsasabay, at ang bisyosong ikid kung saan ang pagtatangkang lutasin ang alinman sa mga ito ay nagpapalala sa isa pa.” (sipi)

Download: ANG PATAKARAN NG “NEOLIBERAL” NA GLOBALISASYON AT ANG LUMALALANG KRISIS SA EKONOMYA SA PILIPINAS

ANG MGA KALAGAYAN AY HINDI KALITATIBONG NAGBAGO: Pambungad ng May-akda sa Ekonomya at Pulitikang Pilipino

“Alinsunod sa malakolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino, itinaguyod ng PKP ang pangkalahatang linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan sa ilalim ng pamumuno ng proletaryado. Ang estratehikong linya ng pagkubkob sa kalunsuran mula sa kanayunan at pag-iipon ng lakas sa kanayunan hanggang maging posible na ang pag-agaw sa kalunsuran ay nagbibigay-kaganapan at bumubuhay sa batayang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka.” (sipi)

Download: ANG MGA KALAGAYAN AY HINDI KALITATIBONG NAGBAGO: Pambungad ng May-akda sa Ekonomya at Pulitikang Pilipino

Si Jose Maria Sison Tungkol sa Moda ng Produksyo (Julieta de Lima-Sison)

“Nang ako’y pansamantalang makalaya mula sa detensyon noong Marso
30, 1982, maraming kaibigan at kakilala sa akademya ang nagtanong sa
akin hinggil sa pagtingin ng aking asawa sa maraming usaping
pinagdedebatehan nila kaugnay ng dominanteng katangian ng moda ng
produksyon sa Pilipinas.

Mailalahad ang pangunahing isyung inihapag sa sumusunod:
‘Nakapagpatupad ba ang rehimeng US-Marcos ng isang patakaran ng
industriyalisasyon at sa gayo’y napalitan ang atrasado at malapyudal
na katangian ng ekonomya?’

Iniharap ko ito at iba pang mga kaugnay na katanungan sa aking
asawa. Nagkaroon kami ng mahahabang talakayan sa mga lingguhang dalaw
ko sa kanya. Binigyan ko rin siya ng mga pinakahuling datos
pang-ekonomya gayundin ng mga pagsusuri at artikulong nagmula sa iba’t
ibang pananaw.” (sipi)

Download: SI JOSE MARIA SISON TUNGKOL SA MODA NG PRODUKSYON

Malapyudalismo sa Pilipinas: Alamat o Katotohanan? (Jose Maria Sison)

“Ang mga dayuhang monopolyo ay tumutubo nang dambuhalang tubo sa kanilang direktang pamumuhunan at sa matataas na tantos ng interes sa kanilang mga di-tuwirang pamumuhunan o pautang. Sa ilalim ng kapangyarihan ng imperyalismong US, ang Pilipinas ay sukdulang umasa sa agrikultura at kinapos sa mga pundamental na sangkap ng isang modernong industriyalisadong ekonomya tulad ng produktibong mga empresa sa mga batayang metal, batayang mga kemikal, mga produktong makinarya at iba pang mga tulad nito. Tiyak na hindi isang industriyalisadong kapitalistang ekonomya ang ating ekonomya.”

Download: Malapyudalismo sa Pilipinas: Alamat o Katotohanan

Manindigan Para sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo (Armando Liwanag)

“Ang rebisyunismo ay ang sistematikong pagbabago at paglihis sa Marxismo, sa mga saligang rebolusyonaryong prinsipyo ng proletaryado na inilatag nina Marx at Engels at higit pang pinaunlad ng sumunod na mga teorista at lider sa sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Itinuturing ng mga rebisyunista ang kanilang mga sarili bilang Marxista, at nagsasabi pa ngang ang ginagawa lang nila ay ang napapanahon at mapanlikhang paglalapat ng Marxismo, ngunit sa esensya’y matamis na balot lang nila ito sa burges na mga ideyang antiproletaryo at anti-Marxista na kanilang ipinalalaganap.”

Download: Manindigan Para sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo (Armando Liwanag)

Rebolusyong Pilipino: Tanaw Mula sa Loob (Jose Maria Sison)

RebolusyongPilipino“Ang pagpapataw ng pasistang diktadura ay hindi nangahulugan ng paglakas ng sistema. Sa halip ay nangahulugan ito ng paglala at paglalim ng di malutas na krisis ng sistema sa sosyo-ekonomya at pulitika. May ilang taon ding artipisyal na sinuhayan ng pautang mula sa labas ang pasistang diktadura at ang sistemang panlipunan, subalit tuluyan nang nagwakas ang panahon ng maluwag na pangungutang para sa mga layuning kontraproduktibo. Mas mara has na sumulpot ang mga panloob na kontradiksyon ng mga reaksyo naryo at mas malakas na lumitaw naman ang rebolusyonaryong kilusang masa.” (sipi)

Download: Rebolusyong Pilipino: Tanaw Mula sa Loob