Tag Archives: Pilipinas

Pag-unlad, Kasalukuyang Katayuan at mga Prospek ng Teorya at Praktikang Maoista sa Pilipinas (Jose Maria Sison)

“Hanggang ngayon, tumatayo ang Maoismo bilang pinakamataas na yugto sa pag-unlad ng teorya at praktika ng proletaryong rebolusyon sa pamamagitan ng pagharap sa usapin ng modernong rebisyunismo at paghaharap ng teorya at praktika ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng proletaryong diktadura sa pamamagitan ng rebolusyong pangkultura para labanan ang rebisyunismo, pigilan ang panunumbalik ng kapitalismo at konsolidahin ang sosyalismo. Sa hanay ng maraming dakilang tagumpay ni Mao, ang nabanggit na teorya at praktika ang pinakadakila. Nagbibigay inspirasyon ito para sa kinabukasang sosyalista at komunista laban sa imperyalismo, rebisyunismo at reaksyon.” (sipi)

Download: PAG-UNLAD, KASALUKUYANG KATAYUAN AT MGA PROSPEK NG TEORYA AT PRAKTIKANG MAOISTA SA PILIPINAS

Si Jose Maria Sison Tungkol sa Moda ng Produksyo (Julieta de Lima-Sison)

“Nang ako’y pansamantalang makalaya mula sa detensyon noong Marso
30, 1982, maraming kaibigan at kakilala sa akademya ang nagtanong sa
akin hinggil sa pagtingin ng aking asawa sa maraming usaping
pinagdedebatehan nila kaugnay ng dominanteng katangian ng moda ng
produksyon sa Pilipinas.

Mailalahad ang pangunahing isyung inihapag sa sumusunod:
‘Nakapagpatupad ba ang rehimeng US-Marcos ng isang patakaran ng
industriyalisasyon at sa gayo’y napalitan ang atrasado at malapyudal
na katangian ng ekonomya?’

Iniharap ko ito at iba pang mga kaugnay na katanungan sa aking
asawa. Nagkaroon kami ng mahahabang talakayan sa mga lingguhang dalaw
ko sa kanya. Binigyan ko rin siya ng mga pinakahuling datos
pang-ekonomya gayundin ng mga pagsusuri at artikulong nagmula sa iba’t
ibang pananaw.” (sipi)

Download: SI JOSE MARIA SISON TUNGKOL SA MODA NG PRODUKSYON

Krisis at Rebolusyong Pilipino (Jose Maria Sison)

KrisisatReboPil“Ang maikli ngunit malamang librong ito ay naghahayag ng istorikong bakgrawnd at mga saligang problema ng sambayanang Pilipino sa pampulitika, sosyo-ekonomiko, pangkultura at diplomatikong larangan at mga batayang solusyon sa pambansa’demokratikong linya. Inaapdeyt at itinataguyod nito ang nilalaman ng Struggle for National Democracy (SND) at Philippine Society and Revolution (PSR).

Ang PCR ay makabuluhan sa kasaysayan dahil ipinaliliwanag nito ang kinakailangang pagpapatuloy ng bagong demokratikong rebolusyon mula sa panahon sa pasistang diktadurang Marcos hanggang pagkaraan ng panahong Marcos. Tinukoy nito ang maka imperyalistang uring malaking kumprador panginoong maylupa na katangian ng rehimeng Aquino ng panahong ipinagdiriwang ng mga irnperyalista at karamihan sa mga reaksyunaryo ang rehimen bilang “demokratiko” na kabaligtaran ng despotikong rehimeng Marcos at tinatawag din ito ng ilang mamamayan na ‘liberal demokratiko.'”

Download: Krisis at Rebolusyong Pilipino