Tag Archives: panulaang Filipino

Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)

kabwayan
“Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha’t pawis ng sakada’t manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.”
(sipi ng tulang “Mga Bukas na Liham sa Hacienda Luisita” ni Alexander Martin Remollino)

Download: Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)

Lover’s Lane (Axel Pinpin)

loverslanepinpin“Kahit ang ngitngit ng mga aktibista sa gobyernong gusto nilang baguhin o palitan o pabagsakin ay sa pagmamahal, sa pag-ibig naguugat. Ang mga makata pa ba ang makalibre sa paksa ng pag-ibig?. Naalala ko si Marne Kilates nang minsan kaming nag-guest sa isang internet TV show para mag-promote ng librong Under The Storm (An Anthology of Contemporary Philippine Poetry). Ika n’ya, humigitkumulang, ‘walang makata na hindi nagsulat tungkol sa pag-ibig.'” (sipi mula sa “Muling Pagbisita sa Lover’s Lane”)

Download: Lover’s Lane ni Axel Pinpin