Tag Archives: panitikan

KAMAO: Salin ng mga Tula ni Mao Zedong

“Isang makata ang anak ko!” usal ng tatay ni Mao. Ang hindi niya alam noon, ang anak niyang makata ang siyang magtitimon ng rebolusyon sa Tsina at babago sa kanilang lipunan. Nagtagumpay ang rebolusyong kultural sa gabay ng Marxismo-Leninismo. Ang mga tulang narito ay nasulat ni Mao sa loob ng panahon ng pagsusulong ng rebolusyon patungo sa pagkakamit ng tagumpay.

Download: KAMAO: Salin ng mga Tula ni Mao Zedong

Si Carlos Bulosan, ang Amerika, at ang mga Babala ng Ating Panahon (Emmanuel Dumlao)

“Tapos na ang walang patumanggang paglustay ng yaman at kahit paano’y humipa na ang bangayan at batuhan ng burak. Nakapili na tayo ng mga ‘bagong’ mamumuno sa bansa. Hindi nga lamang natin tiyak kung tutuparin nila ang kanilang mga pangako. Baka gaya ng dati, sapat nang itatak nila ang kanilang mukha sa bawat plastik ng nirepak na donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.” (sipi)

Download: Si Carlos Bulosan ang Amerika at ang mga babala ng ating panahon

Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata: Folklore, Media at Diskurso ng Bata (Rolando Tolentino)

“Tinutunghayan ng sanaysay ang panitikang pambata bilang produkto ng gitnang uring branding, konsumerismo at kapitalismo. Ang produksyon ng “wholesome” na kalidad at porma ng panitikang pambata – librong ibinebenta, kalakip ang masining na ilustrasyon, salin sa Ingles o Filipino, at pagkakaroon ng leksyong matututuhan at “how to teach” na segment sa huling bahagi ng libro – ay simptomatiko sa konsumeristang panghihimok tungo sa gawi at pagmamarka ng gitnang uring panuntunan ng buhay. Kung gayon, ang pinag-aagawang “pagkabata” sa panitikang pambata ay hindi hiwalay sa panlipunang kondisyon at turing sa mga bata – bilang receptacle ng kawalang-kapangyarihan at ahensya. Sa isang banda, ang pagkabata ay isang winalay na yugto ng pagkamamamayang nakapaimbalot sa marahas na kondisyon ng paghihikahos at pandarambong. Sa kabilang banda, ang niche market ng panitikang pambata – ang gitnang uri at mga institusyong nagpapalaganap nito – ay sablay sa aktwal na materyal na kondisyon ng pagkabata at pagkamamamayan.” (abstrak)

Download: Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata

Fili sa Filipino: Piling-Piling Pilipitan (Isagani Cruz)

“Layunin ng pag-aaral na patunayan na ginagamit ng estado ang El Filibusterismo ni Jose Rizal upang ipagpatuloy ang pagsupil sa diwang mapagpalaya ng kabataan.

Layunin din ipakita na magagamit ang isang metodo ng kritika para mahuli ang pag-iintriga ng estado sa larangan ng ideolohiya. Sinasadyang pinipilipit ng estado, sa pamamagitan ng kinakasangkapan nitong sistema ng edukasyon, ang kaloobang makabayan ni Rizal. Ginagawa ito ng estado sa maraming paraan, unang-una na ang sapilitang pagpapabasa sa mga estudyante sa hayskul ng pinilipit na bersyon ng El Filibusterismo.” (mula sa abstrak)

Download: Fili sa Filipino: Piling-Piling Pilipitan

Ulos Disyembre 2008

“Ang isyung ito ng Ulos ay nagbibigay-pugay sa apatnapung (40) taon ng maningning na pamumuno ng muling-tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa rebolusyong Pilipino. Ang ating Partido ay dumanas ng maraming pagsubok at paghihirap, ngunit katulad ng isang matatag na puno, ito ay nakatindig pa rin at masaganang namumunga. Dahil ito ay nakaugat sa masa at sa tamang linya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM).” (Pambungad)

Download: Ulos Disyembre 2008

Ulos Nobyembre 2005

“Sumulong ang rebolusyonaryong sining at panitikan sa nakaraan batay sa naging paglakas ng buong rebolusyonaryong pwersa. Iniluwal ang masagana at makukulay na mga obra sa harap ng pagbilis ng paglawak at paglalim ng baseng masa ng rebolusyon. Ang libulibong masang nag-aktibo at nasaklaw sa mga pakikibaka ang naging bukal ng mga karanasang isinatitik sa mga awitin, tula, sanaysay, dula at iba pang likha ng mga pwersang pangkultura. Sa malawak nilang hanay lumitaw ang maraming mangaawit, makata, artista at iba pang mandirigmang pangkultura.” (Pambungad)

Download: Ulos Nobyembre 2005

Ulos Oktubre 2006

“Sa panahong ito ay may pagsilip ang patnugutan sa pagsisikap ng mga kasamang Hukbo sa integrasyon ng gawaing pangkultura sa kanilang pang-araw araw na rebolusyonaryong gawain. Sa loob ng kampuhang pinagdausan ng pagkalap ng mga obra, nakita namin ito sa nag-uumapaw na mga naipong tula, maikling kwento, komik istrip, drowing at painting; sa paglulunsad ng ‘Sabado ng Wika’ at sa pagpapalabas ng mga bidyo/dokumentaryo ng rebolusyunaryong kilusan at mga pelikula ng rebolusyunaryong karanasan ng Tsina.” (Pambungad)

Download: Ulos Oktubre 2006

Ulos Hunyo 2006

“Nakabigkis sa kasaysayan ng kilusan sa pagpapalaya ng kababaihan ang makulay at mayamang sining at panitikan na pumapaksa sa rebolusyonaryong lakas ng kababaihan. Inilalarawan sa mga tula, kwento, awit, at dibuho hindi lamang ang kaapihan ng kababaihan kundi lalong higit ang kanilang paghahangad na lumaya. Masasalamin sa rebolusyonaryong sining ang kahandaan ng kababaihan para kumilos at mag-armas laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang rebolusyonaryong sining at panitikan ay bahagi ng pamumukadkad ng isang kultura ng paglaya sa hanay ng kababaihan, at ng buong sambayanan.” (Pambungad)

Download: Ulos Hunyo 2006

Ulos: Espesyal na Isyu 2006

“Dumadagundong sa buong kapuluan ang galit ng sambayanan sa rehimeng US-Arroyo. Habang ang pekeng pangulo na si Gloria-Macapagal Arroyo ay abala sa pagkakapit-tuko sa trono nito sa Malacañang, ibayo naman ang pagsulong at paglakas ng armadong pakikibaka sa kanayunan at ng kilusang masa sa kalunsuran. Kaakibat ng daluyong na ito ang pagbaha ng progresibo at rebolusyonaryong sining at panitikan na pumapaksa—at nagpapaigting—sa pakikibaka ng masa para sa pagpapabagsak sa pasistang rehimeng US-Arroyo.” (Pambungad)

Download: Ulos: Espesyal na Isyu 2006