Tag Archives: Mao Zedong

KAMAO: Salin ng mga Tula ni Mao Zedong

“Isang makata ang anak ko!” usal ng tatay ni Mao. Ang hindi niya alam noon, ang anak niyang makata ang siyang magtitimon ng rebolusyon sa Tsina at babago sa kanilang lipunan. Nagtagumpay ang rebolusyong kultural sa gabay ng Marxismo-Leninismo. Ang mga tulang narito ay nasulat ni Mao sa loob ng panahon ng pagsusulong ng rebolusyon patungo sa pagkakamit ng tagumpay.

Download: KAMAO: Salin ng mga Tula ni Mao Zedong

Mao Zedong: Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno

Mao Zedong Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno“Tatlong bagay, ani Ho Chi-Minh, ang laging dapat isaalang-alang sa pagtitipon ng solidong lakas para sa rebolusyunaryong tagumpay—organisasyon, organisasyon, organisasyon.

Sa panahong humaharap tayo sa hamon na patindihin ang ating pagkilos para sa pagpapatalsik ng papet, pasista, pahirap at pekeng rehimeng Arroyo, hinihingi sa atin ang higit na pagpapalakas sa mga balangay ng ating mga pambansa-demokratikong organisasyong masa at pagpapakilos sa pinakamaraming masang kasapian.” (mula sa pambungad)

Download: Mao Zedong Mga Artikulo Hinggil sa Pamumuno

Mga Dakilang Guro

mgadakilangguro“Bakit mahalagang pag-aralan ang buhay ng dakilang mga gurong komunista? Mahalagang pagaralan ang buhay ng mga dakilang gurong komunista,sina Karl Marx, Frederik Engels, Vladimir Lenin, Joseph Stalin at Mao Zedong, dahil itinuturo nila ang taus-pusong pagmamahal sa kapwa nang walang pagsasaalang-alang sa sarili – isang diwa ng ganap na di pagkamakasarili. Ipinamalas ng kanilang naging buhay ang walang hanggang pagpapahalaga sa kanilang gawain sa pagtataguyod ng proletaryong rebolusyon, at sa kanilang gabundok na pagmamalasakit sa lahat ng kasamang rebolusyonaryo at mamamayan.” (mula sa introduksyon)

Download: Mga Dakilang Guro