Tag Archives: malema

Rebolusyong Pilipino: Tanaw Mula sa Loob (Jose Maria Sison)

RebolusyongPilipino“Ang pagpapataw ng pasistang diktadura ay hindi nangahulugan ng paglakas ng sistema. Sa halip ay nangahulugan ito ng paglala at paglalim ng di malutas na krisis ng sistema sa sosyo-ekonomya at pulitika. May ilang taon ding artipisyal na sinuhayan ng pautang mula sa labas ang pasistang diktadura at ang sistemang panlipunan, subalit tuluyan nang nagwakas ang panahon ng maluwag na pangungutang para sa mga layuning kontraproduktibo. Mas mara has na sumulpot ang mga panloob na kontradiksyon ng mga reaksyo naryo at mas malakas na lumitaw naman ang rebolusyonaryong kilusang masa.” (sipi)

Download: Rebolusyong Pilipino: Tanaw Mula sa Loob

Lipunan at Rebolusyong Pilipino (Amado Guerrero)

psr“Kung ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, dahil sa makauring pagsusuri ng kasaysayan ng Pilipinas, ang nagbigay ng pundasyon para sa Marxista-Leninistang pagpapaliwanag ng lipunang Pilipino at batayan nito sa nakaraan; at kung ang Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan ay maningning na kontribusyon sa pag-intindi ng mga partikularidad ng rebolusyong Pilipino, at kung gayon, malaki ang kahalagahan sa pag-unlad ng istratehiya’t taktikang angkop sa paglulunsad ng rebolusyonaryong gera sa bayang pulu-pulo tulad ng Pilipinas, tinutukoy naman ng Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin ang mga partikular na tungkulin ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pagbabagsak ng diktadurang EU-Marcos – ang pinakamarahas na pagpapahayag ng malakolonyal na paghahari – para makamit ang demokratikong rebolusyong bayan at matamo ang sosyalismo.” (mula sa paunang salita)

Download: Lipunan at Rebolusyong Pilipino

Makibaka para sa Pambansang Demokrasya (Jose Maria Sison)

“Ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino na may bakas ng lumipas ng nakaraang digmaang pandaigdig, partikular pagkaraang muling makamit ang pampulitikang kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, ay nananatili hanggang ngayon nang babahagya lamang o walang pag-asang malutas sa kagyat na hinaharap. Kiming tinatalakay ng ilang upisyal publiko at ng komunidad sa akademya ang mga problemang ito, na karamiha’y pang-ekonomya at panlipunan. Ito ay sa dahilang sa konteksto ng kasalukuyang lipunan, kung saan pagkumporme ang kataas-taasang birtud, ang anumang kritikal na paglalantad sa mga problemang iyon, laluna’t nakakaapekto sa ugnayang Pilipino-Amerikano, ay binabansagang komunista, at kung gayo’y subersibo sa nakatatag na kaayusan. Ilan lamang na matatapang, na pinamunuan ng yumaong Claro M. Recto at Jose P. Laurel, ang nangahas sa bawal na usapin. Ngayon, halos sampung taon na ang lumipas pagkaraang mamatay sina Recto at Laurel, ang mga kabataan at hindi ang mga nakatatanda sa kanila ang nakikipagbatbatan sa mga tagapagtanggol ng kasalukuyang lipunan at dahil dito’y dumaranas sila ng panghaharas at pang-iinsulto mula sa mga propesyunal na anti-komunista at witchhunters. Si Jose Ma. Sison ang kabataang lalong hinaharas at sinisiraan ngayon pero hindi siya nagpapasindak para mapatahimik ng mga taong dahil may hawak na kapangyarihan at umakyat sa ulo ang kapangyarihan ay piniling maging tulad nina Kapitan Tiago at Senyor Pasta sa mga nobela ni Rizal.” (mula sa Introduksyon sa Unang Edisyon)

Download: Makibaka para sa Pambansang Demokrasya

Araling Aktibista

arakcvr
“Ito ang ikalawang edisyon ng araling aktibista. Sa edisyong ito, may ginawang pagsasaayos sa dating balangkas ng mga aralin, at ilang pagdaragdag sa dati. Ang kalipunan ng mga aralin ay dapat pag-aralan ayon sa pagkakasunud-sunod at bilang isang kurso. Gayunman, makakatayo pa rin nang mag-isa ang bawat aralin para sa pagbabalik-aral sa anumang aralin.” (mula sa Paunang Salita)

Download: Araling Aktibista