Tag Archives: kultura

Pag-unlad, Kasalukuyang Katayuan at mga Prospek ng Teorya at Praktikang Maoista sa Pilipinas (Jose Maria Sison)

“Hanggang ngayon, tumatayo ang Maoismo bilang pinakamataas na yugto sa pag-unlad ng teorya at praktika ng proletaryong rebolusyon sa pamamagitan ng pagharap sa usapin ng modernong rebisyunismo at paghaharap ng teorya at praktika ng nagpapatuloy na rebolusyon sa ilalim ng proletaryong diktadura sa pamamagitan ng rebolusyong pangkultura para labanan ang rebisyunismo, pigilan ang panunumbalik ng kapitalismo at konsolidahin ang sosyalismo. Sa hanay ng maraming dakilang tagumpay ni Mao, ang nabanggit na teorya at praktika ang pinakadakila. Nagbibigay inspirasyon ito para sa kinabukasang sosyalista at komunista laban sa imperyalismo, rebisyunismo at reaksyon.” (sipi)

Download: PAG-UNLAD, KASALUKUYANG KATAYUAN AT MGA PROSPEK NG TEORYA AT PRAKTIKANG MAOISTA SA PILIPINAS

Ulos Disyembre 2008

“Ang isyung ito ng Ulos ay nagbibigay-pugay sa apatnapung (40) taon ng maningning na pamumuno ng muling-tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa rebolusyong Pilipino. Ang ating Partido ay dumanas ng maraming pagsubok at paghihirap, ngunit katulad ng isang matatag na puno, ito ay nakatindig pa rin at masaganang namumunga. Dahil ito ay nakaugat sa masa at sa tamang linya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM).” (Pambungad)

Download: Ulos Disyembre 2008

Ulos Nobyembre 2005

“Sumulong ang rebolusyonaryong sining at panitikan sa nakaraan batay sa naging paglakas ng buong rebolusyonaryong pwersa. Iniluwal ang masagana at makukulay na mga obra sa harap ng pagbilis ng paglawak at paglalim ng baseng masa ng rebolusyon. Ang libulibong masang nag-aktibo at nasaklaw sa mga pakikibaka ang naging bukal ng mga karanasang isinatitik sa mga awitin, tula, sanaysay, dula at iba pang likha ng mga pwersang pangkultura. Sa malawak nilang hanay lumitaw ang maraming mangaawit, makata, artista at iba pang mandirigmang pangkultura.” (Pambungad)

Download: Ulos Nobyembre 2005

Ulos Oktubre 2006

“Sa panahong ito ay may pagsilip ang patnugutan sa pagsisikap ng mga kasamang Hukbo sa integrasyon ng gawaing pangkultura sa kanilang pang-araw araw na rebolusyonaryong gawain. Sa loob ng kampuhang pinagdausan ng pagkalap ng mga obra, nakita namin ito sa nag-uumapaw na mga naipong tula, maikling kwento, komik istrip, drowing at painting; sa paglulunsad ng ‘Sabado ng Wika’ at sa pagpapalabas ng mga bidyo/dokumentaryo ng rebolusyunaryong kilusan at mga pelikula ng rebolusyunaryong karanasan ng Tsina.” (Pambungad)

Download: Ulos Oktubre 2006

Ulos Hunyo 2006

“Nakabigkis sa kasaysayan ng kilusan sa pagpapalaya ng kababaihan ang makulay at mayamang sining at panitikan na pumapaksa sa rebolusyonaryong lakas ng kababaihan. Inilalarawan sa mga tula, kwento, awit, at dibuho hindi lamang ang kaapihan ng kababaihan kundi lalong higit ang kanilang paghahangad na lumaya. Masasalamin sa rebolusyonaryong sining ang kahandaan ng kababaihan para kumilos at mag-armas laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang rebolusyonaryong sining at panitikan ay bahagi ng pamumukadkad ng isang kultura ng paglaya sa hanay ng kababaihan, at ng buong sambayanan.” (Pambungad)

Download: Ulos Hunyo 2006

Ulos: Espesyal na Isyu 2006

“Dumadagundong sa buong kapuluan ang galit ng sambayanan sa rehimeng US-Arroyo. Habang ang pekeng pangulo na si Gloria-Macapagal Arroyo ay abala sa pagkakapit-tuko sa trono nito sa Malacañang, ibayo naman ang pagsulong at paglakas ng armadong pakikibaka sa kanayunan at ng kilusang masa sa kalunsuran. Kaakibat ng daluyong na ito ang pagbaha ng progresibo at rebolusyonaryong sining at panitikan na pumapaksa—at nagpapaigting—sa pakikibaka ng masa para sa pagpapabagsak sa pasistang rehimeng US-Arroyo.” (Pambungad)

Download: Ulos: Espesyal na Isyu 2006

Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon (Jenifer Padilla)

“Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang “may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa pundamental na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya kung saan ang karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang pinagpapawisan. Kailangan ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno ng iilan, at hindi ng karamihan.” (mula sa Introdukyson)

Download: Ang Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon