Tag Archives: Kilometer 64

Kilometer 64: Duguang Lupa

“Magdadalawang buwan na mula nang maganap ang karumaldumal na krimeng ngayo’y tinatawag na Ampatuan Massacre, na ibinunga ng kasakiman sa kapangyarihan ng iilang taong matagal nang naghahari at gusto’y sila na lang sa habang panahon ang maghari sa Maguindanao. Sinundan ang insidente ng pagdedeklara ng state of emergency at, kasunod niyon, batas militar sa Maguindanao. Ito’y upang madakip daw nang madali ang mga Ampatuan at ang mga tagasuporta nila.” -mula sa introduksyon ni Alexander Martin Remollino

Download: Duguang Lupa

Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)

kabwayan
“Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha’t pawis ng sakada’t manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.”
(sipi ng tulang “Mga Bukas na Liham sa Hacienda Luisita” ni Alexander Martin Remollino)

Download: Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64)