“Nang ako’y pansamantalang makalaya mula sa detensyon noong Marso
30, 1982, maraming kaibigan at kakilala sa akademya ang nagtanong sa
akin hinggil sa pagtingin ng aking asawa sa maraming usaping
pinagdedebatehan nila kaugnay ng dominanteng katangian ng moda ng
produksyon sa Pilipinas.
Mailalahad ang pangunahing isyung inihapag sa sumusunod:
‘Nakapagpatupad ba ang rehimeng US-Marcos ng isang patakaran ng
industriyalisasyon at sa gayo’y napalitan ang atrasado at malapyudal
na katangian ng ekonomya?’
Iniharap ko ito at iba pang mga kaugnay na katanungan sa aking
asawa. Nagkaroon kami ng mahahabang talakayan sa mga lingguhang dalaw
ko sa kanya. Binigyan ko rin siya ng mga pinakahuling datos
pang-ekonomya gayundin ng mga pagsusuri at artikulong nagmula sa iba’t
ibang pananaw.” (sipi)